KAMPEON NG WIKA 2021, BUKAS NA SA MGA NOMINASYON!
INAANYAYAHAN ang lahat na magpasa ng mga nominasyon para sa KWF Kampeon ng Wika, isang pagkilala para sa mga indibidwal o pangkat na nag-ambag sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Filipino at mga wika ng Filipinas.
Ang Kampeon ng Wika ay ang taunang parangal na ibinibigay ng KWF sa mga natatanging indibidwal, institusyon, o samahan na patuloy na bumubuhay at aktibong lumalahok sa pagtataguyod at preserbasyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Ang mga ginawaran ng parangal na ito ay sina Gov Vilma Santos-Recto at Cristy Fermin noong 2013, Alicia Magos, Eliza Uy-Grino, at Leoncio P. Deriada noong 2014; Merlie Alunan, Elvira B. Estravo, Rosa Maria Magno, Gloria I. Alday, Ma. Laarni L. Cayetano, at Lungsod Muntinlupa noong 2015; Resil Mojares, Fortunato B. Sevilla III, Noriam H. Ladjagais, Atty. Cesar Kilaton Jr., Adelino Sitoy, Dr. Erlinda Alburo, Rev. Fr. Immanuel Sison Escano, Orlando B. Magno, Jimmy B. Fong, at Serafin V. Cuevas noong 2016; Rafael A. Banzuela, Jr, Fr. Wilmer Joseph S. Tria at John E. Barrios noong 2017; Lucena P. Samson noong 2018; at Galileo S. Zafra, Mario I. Miclat, Joaquin Sy, at Dr. Michael M. Coroza noong 2019.
Tuntunin sa Paglahok
Ang Kampeon ng Wika ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal o pangkat na nag-ambag sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng Filipino at mga wika ng Filipinas.
Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggapan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaan o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng alinman sa mga katutubong wika sa Filipinas sa ibá’t ibáng larang at disiplina.
Para sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taon. Para sa mga samahán, tanggapan, ahensiyang pampamahalaan, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limáng (5) taon.
Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa alinman sa mga katutubong wika sa iba’t ibang larang at/o disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba.)
Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat.
Pára sa onlayn na nominasyon, ihanda ang lahat ng softcopy (.pdf format) at magtungo sa link na ito: https://forms.gle/RBH5HuoGYpqDSYSj
Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;
1. Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán);
2. Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa; at
3. Balidong ID ng nagnomina (.jpeg format)
Pára sa nominasyon na ipadadala sa koreo, ilakip sa isa o higit pang long brown envelop ang lahat ng dokumento (hardcopy) na nakasaad sa bílang 6 at ipadalá sa:
Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2021
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila
Ang hulíng araw ng pagpapása ng nominasyon ay sa 30 HUNYO 2021, 5:00 nh.
Ang tatanghaling Kampeon ng Wika 2021 ay tatanggap ng naturang gawad sa Pammadayaw: Araw ng Gawad sa 27 Agosto 2021.
Pinoy sorbetes truck bags national award in the Netherlands
23 January 2020 - Luneta Ice Cream won the "2020 Food Truck of the Year" award for the ice cream category. De Nederlandse HORECA (Hotels, Restaurants and Café) Prijzen recognizes the best businesses in the Netherlands through public voting. Read more at : https://www.gmanetwork.com/
INVITATION FOR THE FILIPINO COMMUNITY - FILM SHOWING
Please register: https://www.eventbrite.com/e/
Economic Updates
- Thursday, 23 February 2023 RCEP RATIFICATION SHOWS PH COMMITMENT TO ECONOMIC OPENNESS
- Friday, 30 September 2022 PH RANKS 59TH IN 2022 GLOBAL INNOVATION INDEX
- Friday, 30 September 2022 PH UP TWO SPOTS IN GLOBAL DIGITAL COMPETITIVENESS RANKING
- Monday, 19 September 2022 46% OF FILIPINOS OPTIMISTIC THEIR QUALITY OF LIFE WILL IMPROVE IN NEXT 12 MONTHS — SWS
More inEconomic Updates
Embassy News
- Friday, 27 September 2024 PH, NL ENHANCES ECONOMIC PARTNERSHIP AT COORDINATING AUTHORITIES INAUGURAL MEETING
- Friday, 10 February 2023 Courtesy Visit of the ASEAN Committee in The Hague to Leiden Asian Center
- Friday, 10 February 2023 Business Consultancy Assistance Available to Filipino SMEs through Programma Uitzending Managers
- Friday, 10 February 2023 PH EMBASSY DEEPENS ENGAGEMENT WITH THE OPCW IN THE PROMOTION OF PEACEFUL USES OF CHEMISTRY
More inEmbassy News