REGISTRATION OF FILIPINO NATIONALS AT THE EMBASSY
All Filipino nationals in the Netherlands, regardless of their immigration status, are encouraged to register at the Philippine Embassy in The Hague. Upon registration, an Embassy ID will be issued free of charge. The Embassy ID serves as proof of the registration.
The Embassy ID is issued only at the Embassy, or in cases of consular outreach missions in other cities, by Embassy personnel. The Embassy does not authorize any individual or organization to register Filipino nationals on behalf of the Embassy. In addition, the Embassy ID is not one of the identification documents recognized by the Dutch authorities under the new National Identity Law that took effect on 1 January 2005.
Requirements:
1. Personal appearance
2. Presentation of valid Philippine passport
3. Two (2) ID photos
4. Duly accomplished Form for Registration of Filipino Citizens (download form here)
TUNGKOL SA EMBASSY ID:
Sapul pa noong mga taong 1990, ang Pasuguan ng Pilipinas ay nagkaloob na ng Embassy ID sa lahat ng Pilipino sa Netherlands na nais mag-rehistro sa Pasuguan, maging ano pa man ang kanilang katayuan sa bayang ito.
Nananawagan ang Pasuguan sa lahat ng mga Pilipino sa Netherlands, may legal na pahintulot o wala na manirahan sa bayang ito, na mag-rehistro sila sa Pasuguan. Ang Embassy ID ay katibayan ng kanilang pagkarehistro sa Pasuguan.
Ang Embassy ID ay ipinagkakaloob sa Pasuguan lamang o, kung kinakailangan, sa mga outreach mission ng Pasuguan sa ibang bayan ng Netherlands.
Walang ibinigay na kapangyarihan ang Pasuguan kanino man o sa ano mang organisasyon na magrehistro ng mga Pilipino sa ngalan ng Pasuguan.
Ang Embassy ID ay hindi kabilang sa mga dokumentong pagkakakilanlan (identification document) na kinikilala ng pamahalaan ng Netherlands batay sa bagong National Identity Law na nagsimulang nagkabisa noong ika-1 ng Enero 2005.
Ang Embassy ID ay walang bayad at apat lamang ang kailangan para makakuha nito:
1. Ang aplikante ay dapat magsadya sa Pasuguan,
2. Pasaporte (orihinal at hindi kopya; valid pa o expired na),
3. Dalawang litrato, at
4. Pag-fill up ng application form (download form here)